Central Intelligence Agency (sén•tral in•té•li•dyéns éy•dyen•sí) : pangunahing ahensiya ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pangangalap ng impormasyon, lalo na tungkol sa kaaway
Central Cordillera (sén•tral kor•dil•yé•ra) : bulubunduking may habàng 275 km mula sa gitnang Luzon túngo sa hilagang Luzon at Bundok Pulog ang pinakamataas na taluktok, 2,928 mula sa pantay-dagat
intelligence quotient (in•te•led•yéns kow•si•yént) : antas ng talino; bílang na nagpapahiwatig ng dunong ng isang tao alinsunod sa resulta ng pagsusulit ukol sa talino
Central Processing Unit (sén•tral pro•sés•ing yú•nit) : mahalagang bahagi ng sistema ng computer na naglalamán ng net-work ng elektrisidad na kailangan upang magsagawa ng instruksiyon